Friday, January 19, 2007 @ 8:16 PM
Kahit na shortened ang schedule kanina dahil sa assembly, ang dami paring ginawa at may quiz pa. Grabe! Then, pinagawa pa ng bone structure using modeling clay sa Bio. Thank you nga pala kay Carmina dahil siya gagawa samin. And habang Biology ang subject, ang mga ilan sa mga goretti ay nagaaral para sa quiz sa Soc sci. May mga joke time nga pala kanina! :)
Kershy: Ang hirap naman nito.
Bariz: Sabi ni Ber madali lang naman daw eh. Enumeration, person and dates!
Kershy: Dates?! Ang daming kayang dates!
Bariz: Year lang naman daw eh.
Kershy: YES! Sure ka!
Bariz: Oo! Year lang, pero kailangan ng month and day!
Kershy: Weee. Naninilaw ka nanaman eh.
Bariz: Haha! Tapos sa mga tao, surname will do pero required ung first name! Haha!
Kershy: Oo, cge na! [sabay tawa]
Likas na sakin ang bumanat ng mga corney jokes na ako rin naman ang tumatawa sa sarili kong joke. Haha. :)
Distribution of cards today, and thank you kay God kasi matataas naman mga grades ko. Hehe. Di ko expect ung grade ko sa CHEM and BIO. Grabe talaga. Hmmm. Hehe. Syempre natuwa si mommy at may gift pa. :)

Ako, Katrina, Ida. Tradition na yan! haha. :)
Ngayon ko lang narerealize na madami palang gagawin this weekend. Dyan ung compilation ng mga tests and seatworks sa Filipino. Magaral para sa quiz sa Chemistry. (mole to mole, mole to mass and mass to mass relationship). Memorize the monologue for English. Hay. Fiesta nga pala sa amin this coming Sunday. Lahat invited. Haha. Cge, bye na muna. :)
0 notes